Friday, June 15, 2007

"Bkit ako umalis sa Korean School at kumanta nalang sa bar?"



A MONOLOGUE by Donard

Tuwang tuwa ako ng matanggap ako sa trabaho as an ESL instructor sa Korean School bandang Don Antonio... bumili ako kaagad ng mga palamuti, magandang pambalot sa mesa, mga sabi-sabit, at mga pangdisplay para sa cubicle na itinalaga sa akin ng head teacher.

Excited ako nung araw na 'yon. Inayos at pinanganda ko ang cubicle...naglagay ako ng sabit-sabit sa ding ding...nilagyan ko ng mga picture frames at kung anu-anu pang kalandian...

Noong unang linggo ko sa korean school na yun...natutuwa ako sa mga korean students...kakaiba sila...mababait...hindi nga lang ako natutuwa sa kakaiba nilang amoy... pero tiniis ko yon... tinanggap ko na lamang na parte iyon ng aking trabaho...kahit nakakawala ng brain condition...ok lang...tiniis ko yon...pinilit kong maging masigla sa pagtuturo kahit humihiwa sa ilong... hanggang sa na kasanayan ko nalang... dahil parang humalo na sya sa aking sistema...araw araw ka ba naman makalanghap ng mabahong amoy...
Meron akong isang student, 24 years old n sya...naging student ko sya for less than 2 weeks...malaking bulas...parang higante...5'11' ang height...mataba...parang wrestler...
Everytime na pumapasok sya sa cubicle may dala syang candy...ang sweet sweet nya...binibigyan nya ako ng candy...minsan na iipon nalang yun sa cubicle, at nilalanggam.
Unang meeting namin, inivaluate ko sya. Kasi, kapag sa unang klase, kailangan mo na iivaluate ang student mo para malaman mo kung anung level sya.
Unang meeting...nagdiscuss ako ng lesson according to his age...mega english english ako, pero wala ata syang reactions...hindi nagsasalita...ni yes or no, walang sinasabi...nakapagtataka...
Ginawa ko lang yun araw araw, hanggang sa hindi ko na kinaya...hanggang sa nag ABCD nalang kami...ayun! nagreact!..nagsalita rin sya sa wakas...

Nag ABCD kami ng isang araw...nung sumunod na araw...may words na...A is for apple..B is for Boy... C is for Cat... and D is for Dog... sumasabay sya sakin...okay lang sa akin na ganun ang ginagawa namin every meeting basta ang importante may interactions sya...

next day... nag nursery rhymes kami...with music...and mega dance ever ako...tuwang tuwa naman sya...at natuwa rin ako kasi may cooperation na sya...

haggang sa sumunod na araw, habang mega dance ever ako sa nursery rhymes namin...parang di na sya natutuwa...naloka nalamang ako ng biglang pinagsusuntok nya ng malakas ang mga langgam sa cubicle...natakot ako...kasi tumabingi ang cubicle...natanggal lahat ng mga dekurasyon ko sa pader...ang mga piture frames at ang mga sabit-sabit, nahulog lahat...nakakaloka talaga...medyo natroma ako...kamuntik nakong masuntok sa dibdib...

kinabukasan nakausap ko ang yaya nya..may yaya pala sya...doon ko lang nalaman na mongoloid pala sya...hindi ko napansin...hindi kasi halata...parang pareho lang...di ko napansin ang difference sa normal na koreano at hindi...

Nung sumunod na linggo... hindi na ako masyadong nag alala...kasi mga bata naman ang tinuruan ko, about 7 to 12 yrs. old...magagaling ang mga bata...mabilis matuto...makulit nga lang...minsan magugulo...hanggang sa mga sumunod na araw...pakulit na ng pakulit sila...apat silang makukulit...misan napipikon na ako sa kakulitan...pero pinapalagpas ko lang yun kasi mga bata sila...ganun talaga...

pero isang araw...nag karoon kami ng topic about "Who's your favorite cartoon character?" bigla nalang silang nagtawanan ng malakas ng sinabi ng isang student ko na..."Teacha you look like shrek!" Shrek...kamukha ko nga si Shrek...walang duda...medyo nasaktan ako dun...napikon ako...gusto ko mang sakalin sila isa-isa di ko magawa...kaya kinurot ko nalang...

Nagsumbong ang bata sa magulang at nakarating sa head teacher...last warning nalang at sisesantehin na ako....

Pero...di kalaunan nag resign na rin ako... kasi hindi ko na talaga matiis.
Halos lahat ng mga students sa korean school ay may digicam...nakasabit sa mga leeg nila..di ko maintindihan bakit picture sila ng picture ng kung anu-ano...

One time, umakyat ako sa canteen...isang matarik na hagdanan iyon na medyo madulas...delikado...natyempuhan ako...

minsan ng umakyat ako sa canteen para bumili ng makakain...pero wala akong nabili...kasi puro noodles at kimchi...kaya bumaba nalamang ako... at sa labas na lang bibili ng turon...

Natyempuhan ako...may natapakan akong pechay...may putang inang naglagay ng Kimchi sa hagdanan...ayun nadulas ako at gumulong pababa...una ang mukha...putok ang labi ko...dumudugo...hiyang hiya ako kasi ang daming nakakita sakin...nakita ako ng mga koreano...sabi ko... Help!...parang di nila naintindihan...sabi ko ulit...emergency!...parang di pa rin nila naintindihan...sabi ko ulit...moh-ree-gga a-ppa-yoh!...(ibig sabihin masakit ang ulo ko)...parang di parin nila naintindihan...nakakaloka!...sa halip na dalhin nila ako sa clinic...pinagpyestahan pa nila ako at pinag pipicchuran! Shet...
At iyon ang nangyari sa akin....sobrang sama ng loob ko...

Hindi ko na natiis...kaya nagresign nalang ako...at pumasok sa katapat nitong sing along bar...

No comments: