By Donard Tenoria
habang lasing 12:30am, during preparations for a stage play OH MY GODS
Masama ang magmura.
Dati nung bata ako ang lakas kong magmura.
Naisip ko, ang pangit para sa isang tao ang nagmumura…pinilit kong huwag magmura…
Pero ngayong malaki na’ko hindi ko na mapigilang magmura.
Saan at kailan ba natin nagagamit ang Putang ina?
Kapag galit ka.
“Putang ina mo!”
Kapag nakita mo ang close friend mo, magmura ka.
“tang-ina kamusta ka na?”
Close na close di ba?
Kapag masaya, kapag nasabi mo ang totoo
Kapag naiparating sa kaibigan mo ang tunay nararamdaman.
Nagmumura ka kapag in love…
“tang ina mahal ko s’ya”
Kapag heart broken.
“…putang ina ang sakit ng nararamdaman ko! Parang sasabog dibdib ko!”
O di ba masgumagaan?
Para maging masaya ang pagsasama…masayado kasing seryoso.
Nag mumura ka kapag naglalabingan kayo ng mga kaibigan mo.
“tang ina ka! Ha! Ha! Ha!
Napapamura ka kapag masarap
“…tang ina ang sarap ng pagkain.”
Nababanggit mo ito pag sobrang concern ka sa isang tao
“tang ina anong nangyari sa’yo?”
Napapamura ka kapag sobrang natakot ka o nagulat.
“Ay putang ina!”
Nagmumura ka kapag may nakalimutan ka o may hinahanap na may kasamang inis..
“Nasaan na ba ‘yong putang inang ‘yon?”
Nagmumura ka kapag malungkot ka
“tang inang buhay ‘to!”
Minsan kulang ang iyong pangungusap kapag walang putang ina.
“putang ina” independent clause bago mo sabihin ang nakakaexcite na balita
“tang ina ang ganda ng movie”
walang buhay o impact kapag ang ganda ng movie lang.
At marami pang iba…
Kailangan nating magmura paminsan minsan,
kailangan kasi natin ito sa linguwahe ng totoong buhay.
Kahit nga teacher, abogado, presidente, senador, businessman, pari at madre nagmumura
Sabay sabay tayo…PUTANG INA…
(tang inang tula ‘to)
No comments:
Post a Comment