“May lamok sa loob ng FX”
By Donard C. Tenoria
Sumakay ako ng FX, sa tabi ng driver ako pumuwesto
ang ginaw, may malakas na ugong
naririnig ko ang andar ng aircon,
humahampas ang buo at puting usok sa’king nose.
Tahimik ang mga pasahero, walang naguusap.
Medyo maaga pa kaya’t may humihikab at nakapikit
May patumbatumba pa ang ulo.
Humihikab din ako.
May lumilipad sa loob ng FX, may lamok.
Lumipad malapit sa akin ang lamok, hinampas ko,
at pumalakpak ako, nawala s’ya, hindi ko tinamaan.
Lumipad ang lamok sa harap ng mamang driver,
nakita nya ang lamok, habang kinakabig ang manabela
hinuli nya ng mabilis ang lamok. Nahuli nya…
Inalog nya ang ng parang maracas ang kamay.
Siguro ayaw nya marumihan ng patay na lamok.
Binuksan nya ang kanyang palad.
Sinilip ko, hindi ko nakita ang lamok. Sabi ko sa sarili…”Ay, magic ba?!”
Sabi ni kuya, na medyo masungit
“Oh! May highway ba?! sabi ko may high way ba?!
Ilalim na tayo, walang sumasagot eh!”
Tinignan ko si kuya, cutie pala sya.
Nakita ko ang lamok sa muka nya, nasa kaliwang pisngi, busog na.
Kinamot nya ang kanyang muka, napatay ang lamok…
“May dugo!! Kuya may dugo!!” sabi ko sa isip.
Sabi nya “Oh! Delta! May bababa ba?!
Pota! Magsabi kayo ng maaga para hindi tayo naaabala!”
Napatingin sya sa manibela, may dugo,
nakita nya rin ang daliri, may dugo.
Natakot si kuya, sabi nya, “Pakshet!”
Huminto sya sa Delta, may bumaba…
No comments:
Post a Comment